Nagsagawa ng meeting ang Tourism and Cultural Affairs Division para sa preparasyon ng nalalapit na Kalibo Sto. Niño Atiatihan festival.
Ayon kay Carla Suñer, executive assistant 1 ng Office of the Mayor, dahil sa tinuturing na pinakamalaking event ang nasabing selebrasyon, minabuti ni Mayor Juris Sucro na umpisahan agad agad preparasyon ng mas maaga.
Pinag-usapan ayon sa kana ang magiging konsepto, ang criteria, mga babaguhin at updates sa contest.
Dagdag pa ni Carla, umaasa sila na madadagdagan ang mga sasali na tribu dahil na rin sa laki ng papremyo sa mga nagdaang taon sa administrayon ni Mayor Juris Sucro.
Pinag-usapan din umano noong mga nakaraang buwan ang magiging budget na hanggang ngayon hay ini-ideyahan parin kung paano mapag-kakasya.
Inaasahan ding first or second week ng Oktubre ang magiging petsa ng opening salvo.