-- ADVERTISEMENT --

Inanunsyo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na saklaw ng bagong circular ang mga pasyenteng may ischemic heart disease at acute myocardial infarction (IHD-AMI), kabilang ang mga kaso ng ST-elevation (STEMI) at non-ST elevation (Non-STEMI).

Nakasaad sa circular na maaaring makinabang ang mga pasyente kahit hindi tiyak o diagnostic ang resulta ng ECG. Pinapayagan ding mag-claim ng benepisyo ang mga health facility na magre-refer ng pasyente sa ospital na may kakayahang magsagawa ng PCI o fibrinolysis, sa ilalim ng “Emergency Medical Services with Coordinated Referral and Interfacility Transfer” package.

Kabilang sa package ang cardiac rehabilitation, na maaaring simulan habang naka-admit at ipagpatuloy bilang outpatient. Kinakailangang makumpleto ang anim na sesyon sa ilalim ng espesyalistang tagapangalaga.

Hindi na rin kailangan ang 24-oras na confinement para ma-reimburse ang claims. Hinihikayat ang mga ospital na bumuo ng referral networks upang mapabuti ang access sa serbisyo at mas mapabilis ang paggaling ng mga pasyente.