-- ADVERTISEMENT --

Nilinaw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ang mga programang Ayuda sa Kapos ang Kita (AKAP) at Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ay hindi ginagamit para sa pamumulitika.

Ayon kay DSWD Crisis Intervention Unit Director Edwin Morata, may mga umiiral na patakaran, tulad ng ‘anti-epal policy,’ upang tiyakin ang integridad ng mga programa at limitahan ang presensya ng mga politiko sa panahon ng pamamahagi ng ayuda. Batay rin sa Joint Memorandum Circular ng DSWD, DOLE, at NEDA, ang mga programa ay nakatuon sa pagtulong sa mga manggagawang mababa ang kita.

Tiniyak ni Morata na masusing sinusuri ng mga social workers ang bawat benepisyaryo upang matiyak na nararapat ang tulong.