-- ADVERTISEMENT --

BATAN, Aklan—Nagkalat sa kalsada sa bahagi ng Sitio Himbis, Barangay Lalab, Batan, Aklan ang mga nahulog na sako-sakong semento mula sa isang 12-wheeler truck, umaga ng Sabado, Hulyo 12, 2025.

Nagkalat sa kalsada ang nasa 100 sakong semento matapos mahulog sa trak na papaliko sana sa nasabing lugar.

Nabatid na dadalhin sana sa bayan ng Kalibo ang naturang sako-sakong semento.

Ayon sa driver ng trak na posibleng hindi maayos ang pagkakalagay o pagkarga ng mga sako-sakong semento.

Nagdulot ng disturbo sa takbo ng trapiko ang insidente dahil sa halos naokupahan nito ang kalahati ng kalsada.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, pinagtulungan naman ng ilang indibidwal na linisin ang mga nagkalat na semento sa kalsada.