-- ADVERTISEMENT --

Nanawagan ang ilang senador na higpitan ang pagpapatupad ng Anti-Hazing Act of 2018 matapos ang pagkamatay ng 19-anyos na maritime student na si Mark Kenneth Alcedo sa Dasmariñas, Cavite.

Hinimok nina Juan Miguel Zubiri, Joel Villanueva, Sherwin Gatchalian, at Jinggoy Estrada ang mga paaralan at awtoridad na paigtingin ang pagbabantay sa initiation rites, panagutin ang mga responsable, at tiyaking hindi na mauulit ang insidente.

Si Alcedo, freshman ng Philippine Nautical and Technological Colleges, ay natagpuang may mga palatandaan ng pananakit sa katawan. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya at tinutugis ang hindi bababa sa 15 suspek na sangkot umano sa hazing.