Muling naghain ng reklamong qualified theft si actress-beauty queen Michelle Dee laban sa personal driver na kilala bilang alyas Totoy noong Enero 30, ayon sa kaniyang abogado na si Atty. Maggie Abraham-Garduque. Kabilang sa ebidensiyang isinampa ang mga larawan ng pulang ampaw na naglalaman umano ng mga film material na ninakaw ng driver.
Bukod dito, nagsampa rin si Dee ng kasong libel at perjury kaugnay ng alegasyon ng driver na siya umano ay binugbog at ikinulong nina Dee, Rhian Ramos, at iba pa. Nanawagan ang abogado sa publiko na huwag munang humusga at huwag basta maniwala sa mga paratang, at iginiit na walang ebidensiyang sumusuporta sa mga alegasyon ng driver, na taliwas umano sa hawak na ebidensiya ng kampo ng mga aktres.
Matatandaang unang nagsampa si Dee ng reklamong qualified theft noong Enero 19, ngunit ito ay ibinasura matapos irekomenda ng Office of the City Prosecutor sa Makati na ihain ang kaso sa regular preliminary investigation proceedings at hindi sa inquest proceedings.












