-- ADVERTISEMENT --

Isang halamang kilala bilang “miracle tree” ang lumilitaw na posibleng mura at makakalikasang solusyon sa microplastic contamination sa inuming tubig.

Ayon sa pag-aaral, ang extract mula sa buto ng Moringa oleifera ay nakapag-alis ng hanggang 98% ng microplastics sa tubig mula sa gripo sa laboratory tests.

Natuklasan ng mga mananaliksik sa Brazil na ang extract ay nagpapadikit-dikit sa maliliit na plastic particles sa pamamagitan ng pag-neutralize sa kanilang karga, kaya mas madaling ma-filter ang mga ito.

Sa mga eksperimento, naitala ang kahalintulad nitong bisa sa mga karaniwang kemikal sa water treatment, ngunit mas ligtas umano dahil biodegradable at hindi nakakalason.

Ang microplastics, na mas maliit sa 5 millimeters, ay natatagpuan na sa tubig, pagkain, at katawan ng tao, kaya patuloy ang pag-aaral sa epekto nito sa kalusugan.

-- ADVERTISEMENT --

Bagama’t promising ang resulta, kailangan pa ng karagdagang pagsusuri bago ito magamit sa malakihang water treatment systems dahil maaaring maapektuhan ang bisa nito ng kondisyon ng tubig.

Itinuturing ng mga eksperto ang moringa bilang potensyal na mahalagang kasangkapan laban sa lumalalang plastic pollution sa tubig.