KALIBO, Aklan—Pinatay ng Senado ang pag-asa ng publiko na mapasagot si Vice President Sara Duterte sa milyong halaga na nakamkam nito sa kaban ng bayan partikular nang siya pa ang kalihim ng Department of Education (DepEd) at ang pondo ng Office of the Vice President.
Ang komento ni Former ACT Partylist representative France Castro ay kasunod sa pag-archived ng Senado sa impeachment complaint laban sa bise presidente.
Dagdag pa ni Castro, kahit na idineklara ng Supreme Court na unconstitutional ang Articles of Impeachment, may kapangyarihan pa rin ang Senado na magconvene bilang impeachment court upang talakayin ang impeachment case kontra sa bise presidente.
Ngunit, minabuti aniya ng Senado na i-archived o isantabi muna ang impeachment case na ang ibig sabihin ay hindi prayoridad na talakayin sa plenaryo.
Nakakalungkot ayon pa kay Castro ang narating ng kanilang pakikipaglaban para sa kapakanan ng publiko.
Gayunpaman, hindi sila nawawalan ng pag-asa dahil sa inihain na motion for reconsideration sa Supreme Court ngunit wala pang sagot dito ang kataas-taasahang hukuman.