-- ADVERTISEMENT --

Maituturing na isang “hero” ang isang myembro ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Makato matapos na ligtas na napaanak ang isang ina habang nasa loob ng rescue vehicle.

Ayonkay Fhemie Jadine Pepito Sagarang, myembro ng MDRRMO-Makato at mismong nagpa-anak sa isang buntis, bandang alas-6 ng gabi, may tumuwag sa kanilang taggapan na magpapa-responde sa bahagi ng Castillo, Makato para maihatid ang manganganak nang ina.

Pag-dating sa lugar, sa kabila nang mga hamon kapareho ng ueln at madulas na daan, matagumpay nila itong naisakay sa rescue vehicle.

Ayon pa kay Fhemie, inisip nalang niya na kaya nyang mapalabas ang sanggol kung sakali mang hindi aabot pa sa ospital.

Nang halos lumabas na ang ulo ng sanggol, kinailangan pa niya itong pihitin para mapalabas ang buong katawan, sa huling pag-iri nang ina ay matagumpay na nilan napalabas ang sanggol.

-- ADVERTISEMENT --

Paliwanag niya na sa pagpapaanak ng sanggol ay wala siyang karanasan ngunit nakikita na niya ito kung paano gawin at ang kanyang naranasan lamang ay ang magpaanak ng baboy.

Nagpahayag din umano sakanya ng pasasalamat ang kanyang napaanak at kinilala din siya nang lokal na gobyerno ng Makato at sa buong MDRRMO-Makato.