Nagbitiw sa tungkulin si Nadia Montenegro, political officer ni Sen. Robin Padilla, matapos maiugnay sa ulat ng umano’y paggamit ng marijuana sa loob ng Senado.
Kinumpirma ni Padilla’s chief of staff Rudolph Jurado na tinanggap ng senador ang kanyang resignation letter at paliwanag noong Agosto 18.
Giit ni Montenegro, hindi siya ang tinutukoy sa mga lumabas na ulat at mariin niyang itinanggi ang paggamit ng marijuana.
Paliwanag niya, gumamit siya ng grape-flavored e-cigarette at hindi nagpunta sa ladies’ restroom kundi sa PWD comfort room noong Agosto 12, bago siya umalis ng Senado.
Dagdag pa niya, ang kanyang pagbibitiw ay hindi pag-amin ng kasalanan kundi hakbang para sa kanyang mental health at kapakanan ng kanyang mga anak.
Iginiit din niyang maaring malinawan ang isyu kung susuriin ang CCTV footage.
Bago ang pagbibitiw, naka-leave si Montenegro habang iniimbestigahan ng Office of the Sergeant at Arms ang insidente.
Mariin niyang sinabi na hindi niya sisirain ang Senado o ang tiwala sa kanya sa pamamagitan ng iligal na gawain.