KALIBO, Aklan — Umabot sa mahigit sa 1,600 ang bilang ng mga botanteng nagparehistro para sa 2025 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa bayan ng Kalibo.
Ayon kay Atty. Christian Itulid, election officer ng Commission on Elections (Comelec) Kalibo na kabuuang 1,639 ang aplikasyong natanggap nila para sa 10-araw na voter registration na nagsimula noong Agosto 1 hanggang 10, 2025.
Sa nasabing bilang, 953 ang new registrants o 15-taong gulang pataas habang 686 ang regular registrants.
Aniya, wala silang naitalang anumang problema dahil lahat ng mga registrants ay natanggap maliban sa mga nag-apply para sa transfer.
Dumagsa umano ang mga nagparehistro noong huling araw ng voter registration.
Sa katunayan aniya ay nag-extend sila ng oras noong Sabado at Linggo hanggang alas-7:00 ng gabi upang ma-accommodate ang mga gustong magpatala.
Kasabay nito, nagpaabot si Atty. Itulid ng pasasalamat sa lahat ng botanteng nagparehistro upang makaboto sa nalalapit na halalan.
Sa pihak nga parte, ginpasiguro ni Atty. Itulid nga sigidas ro andang pagpahaum madayun man ukon indi ro eleksyon.
Sa maabot suno kana nga Agosto 25 hay magapatigayon eon sanda it election registration board.
Ginaeauman suno kana nga uman nga magapatigayon it voter registration ro Comelec sa ikatlong domingo it Oktubre 2025 hasta sa Hulyo 2026 sa tiempo nga eubusan eon nga mapaiway sa Nobyembre 2026 ro 2025 Barangay and SK elections nga nakataeana kunta nga pagahiwaton sa Disyembre 1.