KALIBO, Aklan — Nasa 418,000 na learners ang apektado ng tropical depression “Crising” sa buong Western Visayas simula Hulyo 17 hanggang 18.
Base sa report ng Department of Education Region-6 , 1,322 na paaralan sa Aklan, Antique, Capiz, Guimaras, at lalawigan ng Iloilo gayundin sa regional capital ng Iloilo City ang nagsuspinde ng klase dahil sa malakas na ulan at pagbaha.
Ang Iloilo ang may pinakamataas na bilang ng mga estudyanteng naapektuhan na may 323,229 sa 981 na paaralan sa 21 munisipalidad at ang component city ng Passi.
Apektado sa Antique ang 122,873 estudyante sa 505 na paaralan sa 18 bayan.
Sa Iloilo City, 75,010 na estudyante sa 66 na paaralan ang naapektuhan.
Sa Capiz, 60,741 sa 352 na paaralan sa limang munisipalidad ang walang klase.
Sa Guimaras, 27,059 na learners mula sa 87 na apektadong paaralan.
Sa Aklan, 123,070 na learners mula sa 379 na apektadong paaralan.
Ayon sa DepEd-6 Information Officer Hernani Escular Jr., inilipat ang klase sa Alternative Delivery Mode.