-- ADVERTISEMENT --

Makikibahagi ang National Union of Students of the Philippines o sektor ng mga kabataan at estudyante sa isasagawang malawakang anti-corruption protest na gaganapin sa Setyembre 21 kasabay sa pag-alala ng 1972 Martial Law declaration sa panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Ayon kay Matthew Gonzaga, regional coordinator ng NUSP – Panay, bilang estudyante at kabataan ay kailangan na makialam at manawagan ng transparency at accountability sa lahat ng sangkot sa malawakang korapsyon at katiwalian hindi lamang sa flood control project kundi maging sa iba pang proyekto ng pamahalaan.

Naniniwala sila na hindi lamang ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ang tanggapan ng gobyerno na may anomaliya kundi ang ilan pang government agency na kailangang masilip at maimbestigahan.

Dagdag pa ni Gonzaga na kailangang maging eye opener sa lahat ng kabataan ang kasalukuyang nangyayari sa bansa upang hindi manahimik  para sa kapakanan ng huling henerasyon.

Kasama ang multi-sector, kikilos din sila sa araw ng Linggo upang ipanawagan na panagutin ang opisyales ng gobyerno, kontraktor, at mga indibidwal na mapatunayang sangkot sa katiwalian at korapsyon sa pondo na mula sa kaban ng bayan na galing sa taxes ng mamamayan.

-- ADVERTISEMENT --