-- ADVERTISEMENT --

Umabot na sa $2 bilyon ang net worth ng singer-songwriter na si Taylor Swift, ayon sa Forbes sa kanilang Forbes World’s Billionaires List 2026.

Nananatili siyang pinakamayamang babaeng musikero sa listahan, mula sa $1.6 bilyon na naitala noong 2024. Malaking bahagi ng kanyang yaman ang nagmula sa royalties at concert tours, kabilang ang The Eras Tour, habang tinatayang nasa $900 milyon ang halaga ng kanyang music catalog at $100 milyon ang real estate holdings.

Noong 2025, nakapagtala rin ng rekord ang kanyang album na The Life of a Showgirl matapos makabenta ng mahigit apat na milyong kopya sa unang linggo.

Nakatakda rin siyang parangalan sa Songwriters Hall of Fame sa Hunyo 11 sa New York City.