KALIBO, Aklan—Nagsagawa ng emergency meeting ang National Irrigation Administration (NIA) Aklan sa mga irrigators and farmers association kung saan, pinag-usapan ng mga ito ang kinakaharap na suliranin ng mga magsasaka partikular ang kawalan ng tubig sa kanilang taniman na kung magpapatuloy ay malaki ang kanilang magiging kalugihan.
Ipinaliwanag naman ni Jaime Ibardolaza, senior water resources facilities technician ng NIA Aklan na bago pa man ang construction sa proyekto ng ahensya ay nagkaroon muna ng pulong sa mga nasabing asosasyon at inimpormahan ang mga ito para makapaghanda kung saan, napagkasunduan ang salitan na pagtrabaho ng contractor at ang pagpapalabas ng tubig sa mga palayan.
Ngunit, may mga pagkakataon aniya na hindi nakakaabot sa dulo ang tubig sa loob ng isang linggo at dagdag pa rito na hindi bumuhos ang ulan maliban na lamang noong nakaraang buwan nang manalasa ang Habagat at mga pumasok na bagyo sa bansa.
Dahil dito, nagkaroon ng win-win solution upang masolusyunan ang problema ng mga magsasaka.