KALIBO, Aklan — Hugot nga igapatuman it Local Government Unit (LGU)-Malay ro ordinansang nagabawae sa single-use plastics sa Setyembre 1 antes ro uman nga pagbukas it isla sa Oktubre 26.
Sa interview itBombo Radyo, sinabi ni Sangguniang Bayan member at Boracay Foundation Incorporated (BFI) president Nenette Aguirre-Graf na ipinagbabawal sa mga business owners ang pagbigay ng mga plastic bags, styrofoams at lalo na ang mga straw.
Nabatid na si Graf ang may akda ng Municipal Ordinance No. 386 series of 2018 na nagbabawal sa mga hotels , resorts at iba pang accommodation establishments at restaurants sa Boracay at buong bayan ng Malay sa paggamit ng single-use plastics.
Ang mga lalabag ay mahaharap sa multang P2,000 sa 1st offense , P2,500 at pagkumpiska sa single-use plastics sa 2nd offense at pagkansela ng business permit sa susunod na mga paglabag.