-- ADVERTISEMENT --

Ipinatupad mula ngayong buwan ng Setyembre 2025 ang patakaran na “No Working Permit, No Entry” sa isla ng Boracay.

Base sa naging abiso ng lokal na gobyerno ng Malay, lahat nang mga trabahador na papasok sa isla ay kinakailangang magpakita ng balidong working permit at kailangang sa Workers’ Lane sa pantalan ang mga ito dadaan.

Ang mga walang maipakita na permit ay hindi papayagang makapasok at hindi na makakabalik ang mga ito sa kanilang mga trabaho.

Layunin umano ng nasabing patakaran na matiyak na ang lahat ng trabahador sa Boracay ay may maayos at nararapat na dokumento at sumusunod ang mga ito sa lokal na regulasyon.

Maaaring maapektuhan ng nasabing hakbang ang malaking bahagi ng mga nasa sektor ng turismo dahilan na inabisuhan ng awtoridad ang mga trabahante na mag-secure ng permit at makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan para makakuha ng nasabing mga working permit.

-- ADVERTISEMENT --