-- ADVERTISEMENT --

Mariing kinondena ng North Korea ang desisyon ng gabinete ng Israel na tuluyang sakupin ang Gaza Strip sa Palestine, na tinawag nilang malinaw na paglabag sa internasyonal na batas.

Ayon sa Foreign Ministry ng Pyongyang, ipinapakita umano nito ang “gangster-like” na layunin ng Israel na agawin ang teritoryong kinikilala ng mundo bilang bahagi ng Palestine.

Tinuligsa rin ng North Korea ang hakbang na umano’y nagpapalala sa krisis pantao sa Gaza at sumisira sa kapayapaan at katatagan sa Gitnang Silangan.

Nanawagan sila sa Israel na agad ihinto ang ilegal na armadong pag-atake at ganap na umatras mula sa Gaza Strip.