Russian President Vladimir Putin, left, and North Korea's leader Kim Jong Un pose for a photo during a signing ceremony of the new partnership in Pyongyang, North Korea, on Wednesday, June 19, 2024. Putin and North Korean leader Kim Jong Un signed a new partnership that includes a vow of mutual aid if either country is attacked, during a Wednesday summit that came as both face escalating standoffs with the West. (Kristina Kormilitsyna, Sputnik, Kremlin Pool Photo via AP)
-- ADVERTISEMENT --

Ipinahayag ni North Korean leader Kim Jong Un ang suporta para sa digmaan ng Russia laban sa Ukraine.

Sa isang pagpupulong kasama si Russian Foreign Minister Sergei Lavrov sa North Korea, sinabi ni Kim na ang Pyongyang ay nananatiling tapat sa lahat ng hakbang na isinagawa ng pamunuan ng Russia upang tugunan ang ugat ng krisis sa Ukraine.

Ayon sa mga opisyal, pinaniniwalaang nagpadala ang North Korea ng humigit-kumulang 11,000 na sundalo sa Russia sa nakalipas na taon upang labanan ang Ukraine.

Sinimulan ni Russian President Vladimir Putin ang isang full-scale invasion sa Ukraine noong Pebrero 2022.

Ang muling pagpapahayag ng suporta ng North Korea sa Russia ay naganap kasabay ng muling pagpadala ng military supplies ng Estados Unidos sa Ukraine, matapos ang isang pansamantalang hiatus.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon kay US President Donald Trump, nakipagkasundo siya sa NATO para magpadala ng Patriot air defense systems sa Ukraine upang labanan ang mga pag-atake mula sa Russia.

Una nang inamin ng Pyongyang noong Abril na nagpadala sila ng mga tropa sa Russia, ilang buwan matapos ihayag ng Ukraine ang malaking paggalaw ng mga tropang North Korean patungo sa frontlines ng Russia-Ukraine.