Patuloy na ang pagtuturo ng mga guro sa buong rehiyon.
Ayon kay Mr. Hernani Escullar Jr., tagapagsalita nga DepEd Region 6, as of June 26 ng alas-8 ng umaga, niatala ng kanilang tanggapan ang 1,037,205 na mga enrolled na mag-aaral sa buong rehiyon.
Sa probinsya ng Aklan may naitalang 136,555 na mga enrollees, sa Antique may 145,146, sa Capiz may 123, 099, sa schools division ng Guimaras mayroong 42,576, sa schools division ng Iloilo na 431,850, sa Iloilo City-100,745, Passi City-21,710, at Roxas City na may 35,524 enrollees.
Sa numerong 1,037,205 ay binubuo umano it ng mga public at private schools, state universities, at local universities na nag-aalok ng basic education.
Pagdating naman sa grade level, ang kinder hanggang grade 6 ay may nailistang 539,656, sa grade 7-10 (333,828), sa grade 11 may 81,507, at sa grade 12 ay may 82,214.
Ipinahayag ni Escullar na kung ikumpara ito sa datos noong nakaraang SY 2024-2025 na nakalista ang kanilang tanggapan ng 1,104,607, mas mataas kesa sa presenteng numero it mga enrollees.
Sa kabila nito, ikinatuwa nila na walang anumang mga hinarap na mga major setbacks sa unang linggo ng pagbalik eskwela. Bunga umano it ng koordinasyon kasama ang mga local enforcement entities at mga barangay officials.
Dagdag pa niya na patuloy din silang nagmo-monitor pag-dating sa mga emerging diseases at may koordinasyon din umano ang mga division offices sa department of health at local health authorities sa kani-kanilang lugar para malaman at agad na maipatupad patakaran pagdating sa kalusugan ng mga mag-aaral.
Paalala din ni Escullar sa mga magulang na nag-aalala posibleng magin gastos pag-aaral ng kanilang mga anak na libre ang pag-aaral sa mga public schools at tutuungan din sila nga DepEd para mapagpatuloy ang pag-aaral nga kanilang mga anak.