Dadaan sa masusing ebalwasyon ng Office of the Ombudsman ang mga alegasyong iniuugnay sa 18 indibidwal na umano’y naka-detail sa tanggapan ng dating mambabatas. Kinumpirma ng tanggapan ang pagtanggap ng joint affidavit ngunit nilinaw na hindi pa ito pormal na reklamo na magpapasimula ng opisyal na imbestigasyon. Susuriin ang dokumento batay sa porma, substansiya, hurisdiksiyon at kung may sapat na batayan upang magpatuloy ang kaso.
Nauna nang iniharap ni Levi Baligod ang 18 katao na nag-akusang may naipamahaging P805 bilyon mula sa umano’y maanomalyang flood control projects at idinawit ang ilang opisyal ng pamahalaan, kabilang si Ferdinand R. Marcos Jr..
Samantala, nanawagan ang Malacañang Palace sa mga awtoridad na magsagawa ng kaukulang hakbang laban sa mga nasa likod ng umano’y paninira sa Pangulo.












