-- ADVERTISEMENT --

Ibinunyag ni Ombudsman Crispin Remulla na siya ay nabubuhay sa araw-araw dahil sa leukemia matapos siyang sumailalim sa bypass heart surgery noong 2023.

Ibinahagi ni Remulla na naggagamot na siya kasama ang dalawang cycle ng chemotheraphy at body irradiation sa St. Lukes Hospital kasunod ng leukemia diagnosis.

Tumanggap na rin siya ng bone marrow transplant mula sa kanyang anak.

Aniya, magkatugma sila kaya nakakarekober at bumubuti ang prognosis.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon kay Remulla, nakararanas siya ng sintomas tulad ng pagkahilo at pagkahapo. Madalas din siyang mag-nosebleed na hindi tumitigil dahil sa problema sa kanyang dugo.

Sa kondisyon ng kanyang kalusugan, sinabi niya na araw-araw niya itong tinatanggap dahil naniniwala siyang ang kanyang paggaling ay nagpapatunay na marami pa siyang dapat gawin.