-- ADVERTISEMENT --

Sumuko sa militar ang isang opisyal ng New People’s Army (NPA) at ang kanyang kapatid sa Surigao del Sur matapos ang negosasyon na pinangunahan ng asawa ng opisyal, batay sa ulat ng Army araw ng Lunes, Agosto 25.

Kinilala ang nagsuko na si Edmar, alyas Renren, commanding officer ng Platoon 2, Sub-Regional Sentro de Grabidad (SRSDG) Westland, at ang kapatid niyang si Michael, alyas Datu. Isinuko nila ang kanilang sarili kay Lt. Col. Joselito Ante, commander ng 36th Infantry Battalion (36IB), nitong Biyernes, Agosto 22, sa Barangay Puyat, Carmen, Surigao del Sur.

Kasabay nito, itinuro ng dalawa ang taguan ng mga armas at kagamitan ng NPA kung saan narekober ang dalawang high-powered firearms, bala at isang improvised explosive device.

Ayon sa 901st Infantry Brigade (901Bde), malaki ang naging papel ni alyas Marga, asawa ni Edmar, sa negosasyon.

-- ADVERTISEMENT --

Naisalba ng mga sundalo si Angeles matapos masugatan sa engkwentro sa Lanuza, Surigao del Sur noong Hunyo 25.

Dagdag pa ng militar, naging dahilan din ng pagsuko ng mag-asawa ang kagustuhan nilang muling makapiling ang kanilang sanggol at mamuhay nang payapa.

Samantala, sinabi ni Brig. Gen. Arsenio Sadural, commander ng 901Bde, na ang SRSDG Westland ay natitirang yunit ng NPA sa kanilang area of responsibility at ngayon ay nasa pinakamahinang estado na.