Tinawag ni Health Secretary Ted Herbosa na ‘bold move’ ang pahayag at pagtitiyak ng The Medical City na asahan ng mga pasyente na ma-admit o madischarge sa loob ng apat na oras na paghihintay sa Emergency Department.
Ito ay kasunod ng pagpapalawak ng hospital ng kanilang Emergency Care Unit na hindi lamang magbibigay ng mas malaking espasyo ngunit maraming kama at medical staff.
Ang hakbang ay bilang tugon na rin sa tumataas na demand para sa emergency services.
Ayon kay Herbosa, ang oras ng pagproseso mula sa pagpasok hanggang sa pinto sa mga silid ay apat na oras.
Mayroon din aniyang average ngayon na tatlong oras at 49 minuto na kanya na ring pinag-aaralan na ipataw.
Paliwanag ni Herbosa, na ang paghihintay sa emergency rooms ng government facilities ay umaabot sa pagitan ng 12 hanggang 24 oras.