-- ADVERTISEMENT --

Naghihintay ngayon ng pormal na abiso si outgoing Acting Mayor John Randy “Bagto” Zapata mula sa Department of the Interior and Local Government o DILG kung bababa na siya sa munisipyo o mananatili parin sa in-assign sa kanyang pwesto sa bayan ng Libacao.

Ito ay kasunod sa naging abiso ng DILG na ang laha ng mga elected opisyal na may pinal na utos ng suspensyon o dismissal order ay hindi pwedeng gampanan ang kanilang obligasyon kahit na sila ay nanumpa sa pag-umpisa ng kanilang bagong termino.

Una rito, isang oath taking at inauguration ceremony ang isinagawa para sa mag-amang Navarosa, araw ng Lunes kung saan pinanindigan ng mga ito na uupo bilang alkalde si Vincent at bise alkalde naman ang kanyang ama na si Charito sa nasabing bayan.

Gayunpaman, iginiit ni Zapata na walang karapatan ang mga to na umupo bilang mga nangungunang elected official ng bayan dahil base sa ipinalabss ng Court of Appeals, denied ang apela ng mag-ama para sa Petition for Certiorari para makakuha ng Temporary Restraining Order na noong Hunyo 18, 2025 pa ipinalabas ang nasabing dokumento.

Iginiit din ni Zapata na mismong ang DILG ang makakasagot sa lahat nang palaisipan lalo na at ngayon ang unang araw ng mga elected officials na uupo sa kani-kanilang mga posisyon para sa bagong termino ng pagnenerbisyo sa bayan.

-- ADVERTISEMENT --

Dagdag pa dito, natukoy na nakasaaad sa abiso ng DILG na ang anumang suspendidong binaba, maging ito ay preventive o bilang penalidad ay nananatiling epektibo at hindi nagbibigay ng karapatan sa opisyal na gampanan ang kanyang mga obligasyon habang umiiral ang suspensyon.

Sa ganitong kaso, limitado lamang ang kanilang pagiging opisyal sa legal na titulo ng posisyon.