-- ADVERTISEMENT --

Mahigit P207 milyon ang naitalang pinsala sa agrikultura, imprastraktura, at iba pang ari-arian ng gobyerno sa lalawigan ng Antique sanhi ng habagat na pinalakas pa ng nagdaang bagyong Crising.

Ayon kay Broderick Gayona Train, head ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Antique, umabot sa P15 milyon ang halaga ng agrikultura na napinsala na nakaapekto sa mga pananim, livestock, poultry at iba pang imprastraktura ng agrikultura.

Matinding tinamaan ang mga bayan ng Sebaste, Culasi at Barbaza.

Halos hindi pa umano nakarekober ang ilang residente sa naturang bayan mula nang tamaan ng malawakang pagbaha at landslide noong nakaraang linggo.

Samantala, nasa 22,433 pamilya o 72,756 na indibidwal ang naapektuhan sa 230 barangay mula sa 15 munisipalidad.

-- ADVERTISEMENT --

Halos 93 na pamilya pa ang nanatili sa evacuation centers na patuloy na binibigyan ng ayuda ng provincial government.

Nasa P190 milyon naman ang mga nasirang flood control projects sa 3 bayan sa Antique at Abierra Bridge sa bayan ng Sebaste batay sa assessment ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Nananatiling dalawa ang nawawala at patuloy na pinaghahanap matapos na anurin ng baha.

Sa kabilang daku, dahil sa seryosong pinsala ng bagyo, inirekomenda umano nila sa Sangguniang Panlalawigan ang pagdeklara ng state of calamity sa buong lalawigan ng Antique.