Paalam nagpangayo it pasensya sa pagkaperdi sa Olympics
-- ADVERTISEMENT --

SPORTS News — Pamumunuan ni Olympic silver medalist Carlo Paalam kasama ang pitong iba ang koponan ng Pilipinas na lalahok sa World Boxing Championships sa Liverpool, England mula Setyembre 4–14.

Umalis si Paalam noong Linggo patungong Sheffield, England para sa mini-training camp bilang paghahanda.

Siya ay maglalaban sa men’s 55kg division, habang si Riza Pasuit naman sa women’s 60kg category.

Kasama rin nila sa grupo si coach Reynaldo Galido at consultant Don Abnett.

Inaabangan din ang pagdating ni Ronald Chavez Jr. para sa men’s 70kg category, kasabay nina Jay Bryan Baricuatro (men’s 50kg), Junmilardo Ogayre (men’s 60kg), Mark Ashley Fajardo (men’s 65kg) at Ofelia Magno (women’s 48kg).

-- ADVERTISEMENT --

Ang ilan sa kanila ay magmumula sa training camps sa China at Thailand.

Hindi makakasama si Paris bronze medalist Aira Villegas dahil sa shoulder injury.

Ayon kay Association of Boxing Alliance in the Philippines Secretary-General Marcus Manalo, napakahalaga ng World Championships dahil ito ang pinakamataas na antas ng kompetisyon sa labas ng Olympics at ang kauna-unahang World Championships ng bagong International Federation para sa Olympic-style boxing.