-- ADVERTISEMENT --

KALIBO, Aklan—Halos tatlong magkahiwalay na araw na pinasok at binalik-balikan ng isang magnanakaw ang Kalibo Elementary School, target ang mga nakolektang coins ng mga learners para sa kanilang mga kakailanganin sa loob ng silid-aralan.

Ayon kay Ms. Abby Joy Isaran, principal ng nasabing paaralan na batay sa pag-review sa CCTV footage na naka-install sa loob ng kanilang paaralan, nakunan ang pagpasok ng isang lalaking suspek noong Huwebes ng gabi.

Muli itong bumalik nitong araw ng Sabado at ang huli ay araw naman ng Lunes.

Namukhaan aniya ng kanilang gwardiya ang nasabing suspek.

Dagdag pa ng principal na halos pitong classrooms  at canteen ang pinasok ng suspek sa pamamagitan ng pagkalas sa kandado kung saan, halos mga coins lamang ang kaniyang kinuha at walang anumang mahalagang gamit na kinuha sa loob.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, pinapaubaya na lamang aniya nila sa Kalibo Municipal Police Station ang paglutas sa kaso.

Hindi muna nila ipinalabas ang mga larawan o video ng suspek upang hindi maapektuhan ang nagpapatuloy na imbestigasyon.

Kinumpirma naman ng principal na wala silang naka duty  na gwardiya kung gabi.

Paniniwala ng mga ito na iisang tao lamang ang nagnakaw sa kanila at sa kaharap na Kalibo Integrated Special Education Center (KISEC).