Bukod sa karangalan, posibleng isa din sa hinahabol ni Filipino boxer and hall of famer Manny “Pacman” Pacquiao ay ang makukuha na halaga ng pera sa kanyang pagbalik sa ibabaw ng boxing ring sa pakikipaglaban nito sa Mexican-American boxer na si Marrio Barrios ngayong araw ng Linggo, oras sa Pilipinas na gaganapin sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.
Ayon sa Aklanon sports analyst na si Mr. Basil Tabernilla, tinatayang aabot ng halos sa $10 milyon US dollars ang mapapasakamay ni Pacquiao kung saan malaking bagay ito matapos ang kanyang kabiguan noong nakaraang 2025 midterm election na posibleng gumastos siya ng malaki sa kanyang kandidatura.
Makikita umano sa kanya na mayroon paring dedikasyon at kumpyansa ang Pinoy boxer na kaya niyang mapatumba at mapaluhod ang batang boksingero ngunit kung titiganan ay hindi na ito isandaang porsyento dahil sa kanyang edad na 46-anyos laban kay Barrios nga 30-anyos.
Experience recounts ayon pa kay Mr. Tabernilla nagunit pag-dating umano sakanya sa boksing ay marami na ang dapat na ikonsidera lalo na sa bahagi ni Pacquiao kahit na marami na ang napatumba niya na mga magaling na boksingero sa kanyang karera sa mundo ng boksing.
Sa kabilang banda, hiling din ni Tabernilla ang tagumpay ni Pacman dahil sa hindi lamang ang sarili nito ang kanyang dala kundi maging ang bansang Pilipinas kahit na halos sa apat na taon na itong nagpahinga. Dapat umano na maunahan niya si Barrios at hindi bigyan ng tyansa ang batang boksingero para maabot ang kanyang tagumpay.
Matapos umano itong laro ay dapat nang magretiro si Pacquiao kahalintulad sa ginawa ng ibang boksingero na nauna na rin niyang napatumba.
Nabatid na kung magtagumpay siya, magiging pinakamatandang welterweight champion si Pacquiao at magiging isa sa tatlong boksingero na nanalo ng world title sa edad ngasobra 45-anyos, kasama sila George Foreman at Bernard Hopkins.