LAS VEGAS – Sa edad na 46, muling masilaayan sa ibabaw ng boxing ring si Manny Pacquiao para hamunin si WBC welterweight champion Mario Barrios sa isang laban sa MGM Grand Garden Arena ngayong araw, oras sa Pilipinas.
Ang laro na ito ay magsisilbing sagupaan ng Filipino boxing legend laban sa batang boksingero matapos ang apat na taong pamamahinga at isang pagkatalo kay Yordenis Ugas noong 2021.
Sa kabila ng pagiging underdog, iginiit ni Pacquiao na ang edad ay hindi hadlang sa kanyang pangarap na muling maging kampeon.
Samantalang si Barrios, na nasa kanyang prime, ay nagsabing handa siyang subukin ang lakas ni Pacquiao sa bawat paraan kung saan, pinaghandaan niya ito ng husto.
Kung magtagumpay, magiging pinakamatandang welterweight champion si Pacquiao at magiging isa sa tatlong boksingero na nanalo ng world title sa edad na higit 45, kasama sina George Foreman at Bernard Hopkins.