-- ADVERTISEMENT --

Isinasapinal na ni Filipino boxing champion Manny Pacquiao ang laban niya kay WBA welterweight champion Rolly Romero.

Ayon kay Pacquiao na maaring maganap ang laban ng dalawa sa buwan ng Enero.

Dagdag pa nito na may ilang mga kaunting inaayos ukol sa nasabing laban.

Mayroong record ang 46-anyos na si Pacquiao na 62 panalo, walong talo at tatlong draw.

-- ADVERTISEMENT --

Noong Hunyo ng lumaban si Pacquiao laban kay Mario Barrios na nagresulta sa majority draw.

Habang si Romero ay mayroogn 17 panalo, dalawang talo at 13 knockouts na 17 taon na mas bata kay Pacquiao.

Nakuha ni Romero ang bakanteang WBA titele matapos talunin si Ryan Garcia sa pamamagitan ng unanimous decision noong Mayo sa laban na ginanap sa New York City.