-- ADVERTISEMENT --

TANGALAN, Aklan — Patay at kasalukuyang pinaglalamayan ang 54-anyos na mister na umano’y may epilepsy matapos itong atakihon ng kanyang sakit bago nahulog sa dagat na kanilang pinapangisdaan sa Brgy. Dapdap, Tangalan, pasado alas-2:00 ng hapon ng Miyerkules, Hulyo 23.

Sa imbestigasyon, nangyari ang insidente habang nangingisda ang biktimang si Rex Makiling at residente ng Brgy. Tondog, Tangalan.

-- ADVERTISEMENT --

Pinapaniwalaang bigla itong sinumpong ng kanyang sakit na epilepsy at nahulog sa tubig na naging sanhi ng kanyang pagkalunod.

Makalipas ang halos apat na oras na search and retrieval operation,  dakong alas-7:10 ng gabi ng Miyerkules nang matagpuan ang kanyang katawan sa ilalim ng tubig.

Dinala ang kanyang mga labi sa isang funeral parlor sa naturang lugar.

Nakita ang kanyang katawan halos isang metro lamang ang distansiya mula sa kanyang hinulugan.

Tinangka pa umano itong tulungan ng kanyang kasamang mangingisda na nasa kabilang bangka ngunit dahil sa malakas na alon ay hindi ito naka-penetrate dahilan na humingi na lamang siya ng tulong sa mga awtoridad.

Agad na nagsagawa ng search and rescue operation ang mga miyembro ng MDDRMO-Tangalan, PDRRMO-Aklan, Philippine Coast Guard, Bantay Dagat at iba pang diver volunteer.