Kasado na ang muling pagpapatuloy ng voter’s registration ng Commision on Election o Comelec ngayong araw ng Biyernes, Agosto 1, 2025.
Ito at magtatagal sa loob ng sampung araw bilang bahagi ng preparasyon ng itinakdang Barangay at Sangguniang Kabataan Election sa darating na buwan ng Disyembre.
Kahit na posibleng maisantabi ang eleksyon dahil sa lagda nalang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kinakailangan sa panukala na magpapa-antala sa nakatakdang eleksyon, magpapatuloy ang paghahanda ng komisyon hangga’t walang pinal at pormal na abiso para sa kanila.
Dahil dito, hinimok ni Comelec Aklan spokesperson Crispin Raymund Gerardo ang publiko lalo na ang mga first time voters na kunin ang pagkakataon para makaparehistro.
Bukas ang lahat ng tanggapan ng komisyon sa loob ng sampung araw kalakip dito ang araw ng Sabado at Linggo.
Bukod dito, may mga itinakdang Comelec satellite for registration partikular sa mga eskwelahan at kanayunan para mapalapit sa mga kabataan at mamamayan ang nasabing aktibidad. Lahat umano ay pwede maliban nalang sa pagtransfer ng registration’s address.
Mag-sisimula ang voter’s registration ng alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.
Paalala naman ni Gerardo na mag-punta kaagad sa kanilang mga taggapan para maiwasan ang pagkukumahog sa last minute registration.