-- ADVERTISEMENT --

Maraming bahagi ng bansa ang makakaranas ng pag-ulan ngayong Lunes dahil sa dalawang weather system.

Ayon sa PAGASA ang shear line ay magdudulot ng scattered rains at isolated thunderstorms sa Caraga, Eastern at Central Visayas, Sorsogon, Masbate, Camiguin, at Misamis Oriental.

Maaaring magdulot ito ng flash floods o landslides sa mga apektadong lugar.

Ang northeast monsoon o “amihan” naman ay maghahatid ng light rains sa Cagayan Valley, Visayas, Bicol Region, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Aurora, Quezon, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, at maging Metro Manila at ibang bahagi ng Luzon.

-- ADVERTISEMENT --

Sa Mindanao, inaasahan ang isolated rain showers dulot ng localized thunderstorms.

Magiging malakas ang hangin at may mataas na alon sa silangang bahagi ng Visayas at Mindanao.