Patuloy ang pag-uupgrade at paglalagay ng mga dagdag na close circuit television o CCTV cameras sa mga barangay partikular sa strategic areas sa buong bayan ng Kalibo.
Ayon kay Poblacion Punong Barangay Neil Candelario, patuloy ngayon ag pagpapalit sa mga hindi na gumaganang CCTV cameras kung saan mas in-upgrade ang internet connection.
Bilang ex officio official, sinuwestyon umano niya na makaabot ang connection direkta sa Aklan Police Provincial Office (APPO) para mamonitor ang sitwasyon at maagapan agad ang mga krimen.
Malaking tulng uman ito kung marami ang nag-momonitor para sa peace and order sa bayan ng Kalibo.
Nabatid na mas mapapadali na masosolusyunan ang kaso o krimen kung may sapat na ebidensya para mahabol ang mga suspek kung saan malaking tulong ditp ang mga CCTV cameras na isa sa pinakukuhanan ng lead ng mga pulis sa kanilang imbestigasyon.
Dagdag pa ni Candelario na sa oras ng emerhensiya ay madali na makakaresponde ang mga emergency personnel at kapulisan.