-- ADVERTISEMENT --

Malaking tulong ang ipapatayong bagong passenger terminal building sa Caticlan Airport sa pag-unlad ng ekonomiya ng Aklan at sa buong bansang Pilipinas.

Inihayag ito ni Aklan 2nd district Congressman Florencio Miraflores kasunod sa ginanap na groundbreaking ceremony na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at Ramon  Ang, chairman at chief executive officer ng San Miguel Corporation, ang nangungunang stakeholder ng paliparan.

Sa pamamagitan aniya ng nasabing proyekto ay magbibigay ito ng mas malaking kapasidad para sa mga pasahero, mas nakakahikayat at maginhawang pagbiyahe para sa lahat.

Dagdag pa ni Cong. Miraflores, malaki aniya itong tulong sa kanilang isinusulong na cruise and fly upang mas pang mapalakas ang industriya ng turismo sa Isla ng Boracay.

Nabatid na kabilang sa plano ng provincial government ay ang pagpapatayo ng  cruise port sa Caticlan na layong  ma-develop ang cruise industry sa lalawigan na isang bagong estratihiya ng Department of Tourism (DoT).

-- ADVERTISEMENT --

Ang mas pinalaki, pinaganda at modernong passenger terminal building ay makapagbigay serbisyo sa mas maraming mga pasahero anumang oras mula sa dating kapasidad ng lumang terminal.