Pinaboran ng isang anti-corruption advocate ang hakbang na ginagawa ngayon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pagbubunyag sa mga kurakot na contractors at ang paghihimay sa mga opisyal ng pamahalaan sa likod ng anomaliya na nangyari sa mga flood control projects na pinondohan ng bilyones ng pamahalaan.
Ayon kay Engr. Felicisimo Tanumtanum Jr, walang karapatan ang mga contractors at opisyal ng gobyerno na bulsahin ang pera mula sa kaban ng bayan.
Ito ay pinaghirapan ng mga taxpayers na dapat ibalik ng sapat sa pamamagitan ng mga tiyak at kaaki-pakinabang na proyekto.
Isa umano siya sa mga nananawagan na hindi dapat manahimik at i-expose ang mga nalalaman na anomaliya kung saan kaisa din siya ni Baguio City mayor Benjamin Magalong na may tapang sa pagbubunyag ng mga anomaliya.
Nabatid na sa kada tag-ulan, paulit-ulit ang senaryo gaya ng lunod ang kalsada, lumulutang ang basura ag may mga pinipilit na mag-salba ng buhay sa gitna ng mataas o nag-raragasang baha.
Sa pamamagitan ng paggalaw ng pamahalaan ni Marcos Jr. ay umaasa siyang may mapapanagot sa mga lumabas na ghost projects, substandard na konstruksyon at kahina-hinalang kontrata.