Pilang mga social media influencer, nagagamit sigon sa promosyon it illegal online casino
-- ADVERTISEMENT --

Inatasan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang lahat ng gaming licensees at iba pang stakeholders sa industriya ng sugal na alisin ang mga billboard at out-of-home (OOH) gambling advertisements bago sumapit ang Agosto 15, 2025.

Ayon sa memorandum na inilabas noong Hulyo 7, kinakailangang tanggalin ang lahat ng materyales sa patalastas ng sugal, kabilang ang mga naka-display sa mga tren, bus, jeepney, at taxi.

Simula rito, papayagan lamang ang mga kampanyang may kaugnayan sa institusyonal o responsible gaming, basta’t aprubado ng ahensya.

Bilang bahagi ng implementasyon, inaatasan din ang mga stakeholders na magsumite ng listahan ng kanilang kasalukuyang billboard at wallscape ads bago ang Hulyo 16.