Ipinagpaliban ng International Criminal Court (ICC) ang kumpirmasyon ng mga kaso laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na nakatakda sana sa Setyembre 23, 2025. Inaprubahan ng Pre-Trial Chamber I ang kahilingan ng kampo ng depensa dahil sa umano’y hindi magandang kalagayan ng kalusugan ng 80-anyos na akusado.
Tumutol si Judge María del Socorro Flores Liera sa desisyon at iginiit na dapat itinuloy ang pagdinig. Ayon sa karamihan ng miyembro ng chamber, kinakailangan ang pagkaantala upang mapagdesisyunan ang mga isyung inihain ng depensa. Maglalabas ng bagong iskedyul ang ICC matapos ang deliberasyon.
Nahaharap si Duterte sa mga kasong crimes against humanity gaya ng pagpatay, torture, at panggagahasa na umano’y nangyari sa Pilipinas mula 2011 hanggang 2019. Inaresto siya noong Marso 12, 2025 at unang humarap sa korte sa pamamagitan ng video link noong Marso 14.