HEALTH News — Nanawagan ang mga eksperto at tagapagtaguyod ng tobacco harm reduction ng mas malawak na suporta para sa paggamit ng mas ligtas na alternatibo gaya ng vape, sa gitna ng hindi epektibong kampanya ng pamahalaan laban sa paninigarilyo.
Ayon sa pag-aaral ni Christopher James Cabuay ng De La Salle University, batay sa datos ng US FDA, may 70% na mas mababang toxicity ang mga non-combusted alternatives (NCA) tulad ng vape kumpara sa heated tobacco products.
Sa isang briefing sa Makati, inilahad na umabot sa PHP563 bilyon ang gastos ng bansa sa mga sakit na dulot ng paninigarilyo noong 2018, na katumbas ng 2.48% ng GDP. Karamihan sa halagang ito ay dahil sa mga pagkamatay na may kaugnayan sa paninigarilyo.
Dahil dito, iginiit ng mga tagasuporta ng NCA ang pangangailangan ng mas balanseng regulasyon at sapat na impormasyon para sa publiko. Babala ni Nancy Loucas ng Aotearoa Vape Community Advocacy, ang sobrang paghihigpit ay maaaring magtulak sa paggamit ng iligal na produkto at magdulot ng pagkalugi sa buwis ng pamahalaan.