HEALTH News — Isinapubliko ng isang bagong pag-aaral na ang pagkain ng animal-based protein tulad ng karne at gatas ay hindi nagpapataas ng panganib ng kamatayan at maaaring magbigay ng proteksyon laban sa cancer-related mortality.
Batay sa pananaliksik na inilathala sa Applied Physiology, Nutrition, and Metabolism, sinuri ang datos mula sa halos 16,000 kataong edad 19 pataas, gamit ang National Health and Nutrition Examination Survey (NHANES III).
Natuklasan ng mga mananaliksik na walang masamang epekto ang mataas na konsumo ng animal protein sa posibilidad ng pagkamatay mula sa anumang sanhi, kabilang ang cancer at cardiovascular disease. Sa katunayan, lumitaw ang bahagyang pagbaba ng panganib ng cancer-related deaths sa mga taong kumakain ng mas maraming animal protein.
Gamit ang mga advanced statistical methods, tiniyak ng mga eksperto ang katumpakan ng resulta batay sa long-term dietary patterns. Sa kabuuang pagsusuri, parehong plant at animal proteins ang napatunayang ligtas, at maaaring isama sa isang balanseng at masustansyang diet.