-- ADVERTISEMENT --

Mariing binatikos ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang umano’y malawakang pagkasira at manipulasyon ng mga opisyal na dokumento sa Department of Public Works and Highways (DPWH), na inilarawan bilang paglabag sa transparency at hadlang sa imbestigasyon ng mga iregularidad sa mga flood control project.

Ayon sa ICI, ang mga talaan ng imprastruktura ay pag-aari ng estado at dapat mapanatiling buo at ligtas. Binalaan ng komisyon na ang sinumang sangkot sa pagsira, pamemeke, o pagtatago ng mga ito ay maaaring humarap sa kasong administratibo at kriminal.

Itinatag ang ICI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang magsagawa ng masusing pagsusuri sa mga proyektong pang-imprastruktura sa buong bansa, lalo na sa mga isyu ng overpricing, ghost projects, sabwatan sa pagitan ng kontratista at opisyal, at mga kaduda-dudang flood control project sa nakaraang sampung taon.

Hinimok ng komisyon ang mga opisyal ng DPWH na tiyakin ang integridad ng lahat ng dokumentong hawak nila at makipagtulungan sa isinasagawang imbestigasyon.