KALIBO, Aklan—Naging magarbo at makulay ang pagpakitang gilas ng 31 tribu suot ang kanilang mga makolor na costume at hataw na sayaw sa tunog ng tambol sa inabangang Sadsad Ati-Atihan Contest , umaga ng Sabado, Enero 17, 2026.
Isa ito sa mga highlights ng taunang Kalibo Señor Sto. Niño Ati-Atihan Festival.
Ayon sa Kalibo Ati-Atihan Festival Board (KAFEB) na ang mga lumahok na grupo ay nagpasiklaban sa apat na kategorya, ang Modern Tribal, Tribal Small, Tradisyunal na Ati, at Tribal Big.
Sa 31 tribung lumahok, pito ang sumabak sa Tribal Big, 10 sa Modern Tribal, at tig-pito naman sa Tribal Small at Tradisyunal na Ati.
Nagtipon-tipon ang mga contingents dakong alas 7:30 ng umaga sa Aklan Provincial Capitol sa Osmeña Avenue, at pormal na nagsimula ang sadsad contest dakong alas 8:00 ng umaga.
Dumaan ang mga ito sa pangunahing kalsada mula sa Capitol, papuntang Mabini Street at Roxas Avenue, hanggang sa Kalibo Pastrana Park.
Huminto ang mga partisipanteng tribu sa Kalibo Cathedral sa Archbishop Reyes Street para sa pag-blessing at pag-judge bago nagtapos ang kanilang performance sa bahagi ng Kalibo Magsaysay Park.
May kabuuang 11 hanggang 12 ang hurado na inilatag sa limang judging areas sa kahabaan ng tinatayang tatlong kilometrong ruta.












