Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Republic Act No. 12232 na nagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) mula Disyembre 2025 patungong Nobyembre 2026. Itinakda rin sa apat na taon ang termino ng mga opisyal ng barangay at SK.
Ayon sa bagong batas, hanggang tatlong sunud-sunod na termino lamang maaaring magsilbi ang isang barangay official sa parehong posisyon, habang isang termino lamang ang pinapahintulutan para sa SK officials.
Ang susunod na BSKE ay gaganapin sa unang Lunes ng Nobyembre 2026 at kada apat na taon pagkatapos nito. Manunumpa sa tungkulin ang mga nanalo tuwing Disyembre 1 ng parehong taon.
Mananatili sa puwesto ang mga kasalukuyang opisyal sa hold-over capacity maliban na lamang kung sila ay masuspinde o matanggal. Hindi na papayagang tumakbo sa 2026 ang mga nasa ikatlong sunod na termino.
Inatasan ang Commission on Elections (Comelec) na maglabas ng mga patakaran sa pagpapatupad ng batas sa loob ng 90 araw matapos itong maging epektibo.