Nakadepende na lang ang desisyon sa Senado kung ipagpapatuloy o hindi ang impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Dutere
Ayon kay ni Atty. Harry Sucgang, political analyst sa probinsya ng Aklan, parehong may kapangyarihan ang legislative, executive, at judiciary. Ngunit kung may contest sa legal issue ay ang Supreme Court ang dapat sundin.
Nakadepende nalang umano sa Senado susundin nila ang desisyon ng korte suprema dahil may pananagutan sila kung hindi nila itutuloy ito dahil maraming mamamayang Pilipino ang umaasang maipagpapatuloy ang impeachment proceedings.
Dagdag pa na wala ding restraining order kundi opinion lamang ng korte ang kanilang ipinalabas, ngunit posibleng magdalawnang-isip na ang mga senador na tumayo bilang senador-judges sa impeachment proceedings.
Dagdag pa niya na dapat idinismiss na lang ng supreme court ang petition ng grupo ni VP Sara bilang political question.
Maraming mamamayang Pilipino na ang naghihintay paglilitis dahil gusto nilang malaman kung ano na ang mga nangyayari sa gobyerno at hindi umano ito malalamang lahat kung hindi ipagpapatuloy ang impeachment proceedings.
Paliwanag pa niya na hindi na dapat hintayin na magkaroon pa ng people power katulad sa nangyari noong mga nakaarang termino.