-- ADVERTISEMENT --

Hawak na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga pangalan na responsable sa nabigong flood-control projects na naging dahilan ng pagkalubog sa tubig-baha ng ilang bahagi ng bansa nitong lamang mga nakaraang linggo.

Sa Part 1 ng ikatlong episode ng PBBM Podcast na pinamagatang “Sa Likod ng Sona”, sinabi ni Pangulong Marcos na “We already have some names that are coming up, which will be—first of all, corporations that—contractors whose poor work is very obvious.”

Tiniyak ng Pangulo na ilalagay niya ang mga ito sa blacklist.

Hindi na aniya magagawa ng mga ito na makakuha ng kontrata sa gobyerno.

-- ADVERTISEMENT --

Ang mga kompanya aniyang ito ay kailangan na magpaliwanag kung paano nila ginamit ang pondo para sa mga proyekto.

“If they can’t explain properly, we will have to take it to the next step,”ang sinabi ni Pangulong Marcos.

Matatandaang sa ikaapat na State of the Nation Address ng Pangulo, inatasan niya ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na magsumite ng listahan ng lahat ng flood control projects sa ilalim ng kanyang administrasyon upang madetermina kung ano ang nabigong gawin, hindi natapos o “ghost” projects.

Samantala, hinikayat naman ng Pangulo ang mga mamamayan na nakasaksi ng iregularidad sa flood control projects sa kanilang lugar na repasuhin ang listahan at tumulong sa imbestigasyon.