-- ADVERTISEMENT --

Posibleng palawigin pa ang 60 araw na import ban sa bigas at itaas ang taripa nito upang palakasin ang proteksiyon sa industriya ng palay sa bansa.

Ito ang sinabi Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.

Lumutang ang posibleng pagpapalawig ng import ban sa bigas matapos umanong ipag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Agriculture (DA) na ihanda ang mga papeles para pagpapalawig ng import ban at tinitingnan na ng Malacañang ang pagtataas ng taripa sa bigas.

Nagpatupad ng import ban ang Malacañang dahil sumadsad na ang presyo ng palay sa P8 per kilo bago pa dumating ang bulto ng ani.

-- ADVERTISEMENT --

Noong Abril pa sumadsad na ang presyo ng palay sa P8 per kilo at nauna nang nanawagan ang Samahang Industriya ng Agricultural na ibalik ang taripa sa 35% mula sa kasalukuyang 15% noong Marso.

Nagsagawa ng pagdinig ang Tariff Commission sa petisyon ng SINAG noong Marso ngunit wala pang aksyon dito hanggang ngayon.