-- ADVERTISEMENT --

Patuloy na isinasagawa ang mga pansamantalang hakbang para mabawasan ang nararanasang mabahong amoy na nanggagaling sa dumpsite sa Brgy. Bakhaw Sur, Kalibo.

Ayon kay Atty. Brent Gonzales, focal person ng sanitary land fill, buwan pa lamang nga Oktubre ay preparado na sila dahil inaasahang dadami ang basura dulot ng pag-daan nga holiday season at Ati-atihan Festival.

Nagsagawa aniya sila ng stockfiling activities para matabunan ang mga basura ngunit dahil sa sobrang dami, hindi nito nakayanang tabunan ang amoy.

Dagdag pa ni Atty. Gonzales na nag-spray rin sila ng neutralizing agent para ma-mitigate ang amoy, at patuloy parin nila itong ginagawa.

Paliwanag niya na ang mga hakbang na ito ay mga short term solutions pa lamang at patuloy itong isasagawa hanggang makapagpatupad na ng long term solution para sa naturang problema.

-- ADVERTISEMENT --

Naka-plano na rin umano sa pipeline ng lokal na gobyerno ng Kalibo ang pag-adapt ng teknolohiya para sa pag-proseso ng mga basura.

Panawagan rin niya sa publiko na mag-practice ng segregation o ang paghihiwa-hiwalay sa mga nabubulok at di nabubulok na mga basura dahil isa ito sa malaking tulong na hindi magkaroon ng pag-baho sa dumpsite.

Iginiit niya na hindi lamang ito problema ng lokal na gobyerno kundi ito ay problema na ng komunidad.