-- ADVERTISEMENT --

Isinusulong ni Senador Panfilo Lacson ang isang panukalang batas na naglalayong higpitan ang paggamit ng social media ng mga menor de edad bilang tugon sa lumalalang isyu ng mental health sa kabataan.

Batay sa datos ng UNICEF at iba pang ahensya, tumataas ang kaso ng cyberbullying, pressure sa imahe ng katawan, at online harassment sa mga batang Pilipino, kung saan 60% ng mga edad 10 hanggang 17 ay aktibong gumagamit ng internet.

Layunin ng panukala na ipagbawal ang social media access sa mga wala pang 18 taong gulang at obligahin ang mga platform na magsagawa ng age verification. Ang mga lalabag ay maaaring maharap sa mga parusang itinakda sa Data Privacy Act at iba pang umiiral na batas.