FACE TO FACE CLASS REOPENING / FEBRUARY 10, 2022 A teacher and her students learn together at the Pedro Cruz Elementary School in San Juan City as it reopened its face to face classes on Thursday, February 10, 2022. The school passed the DepED Schools Safety Assessment Tool (SSAT) which showws its readiness for the limited face to face learning modality. INQUIRER PHOTO / GRIG C. MONTEGRANDE
-- ADVERTISEMENT --

Inihain ni House Assistant Minority Leader at Eastern Samar Rep. Christopher Sheen Gonzales ang House Bill 4531 na naglalayong itaas mula ₱1,000 patungong ₱3,000 ang World Teachers’ Day Incentive Benefit (WTDIB) para sa mga pampublikong guro sa ilalim ng Department of Education (DepEd).

Layunin din ng panukala na gawing permanente ang insentibo na unang ipinagkaloob noong 2019 sa pamamagitan ng General Appropriations Law.

Kasalukuyang natatanggap ng mahigit 950,000 public school teachers ang WTDIB tuwing Oktubre 5, kasabay ng selebrasyon ng World Teachers’ Day. Isinusulong ang panukala bilang suporta sa mga guro sa gitna ng tumataas na gastusin at bilang pagkilala sa kanilang kontribusyon sa edukasyon at paghubog ng kinabukasan ng bansa.

Ang hakbang ay kasabay ng pagdiriwang ng National Teachers’ Month mula Setyembre 5 hanggang Oktubre 5, alinsunod sa Republic Act 10743.